Mahigit 30 na bahay nasunog sa Butuan City

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2019 07:52 PM

BUTUAN CITY -- Mahigit 30 na bahay ang natupok ng apoy sa Barangay Fort Poyohon sa Butuan City, Linggo pasado alas-3:30 ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Butuan City, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na mabilis kumalat dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Watch more in iWantTFC
Video courtesy of Fernand Caniete

Sa initial na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Pastor Macasing. Naiwan na niluto ang pinagmulan ng sunog.

Inaalam pa kung ilang pamilya ang naapektuhan sa sunog.

Hindi pa mabatid ang halaga ng pinsalang dulot ng sunog.

Pasado alas-5 ng hapon nang ideklarang under control ang sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.