Ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite walang tubig sa Hunyo 11-12

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2019 04:13 PM

MAYNILA — Mawawalan ng tubig ang malaking bahagi ng Metro Manila at ilang lugar sa Cavite simula sa Martes, Hunyo 11, hanggang Miyerkoles, Hunyo 12, sabi sa abiso ng Manila Water nitong Linggo.

Sinabi ni Maynilad spokesperson Grace Laxa na kabilang sa mga mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa:

  •  Quezon City
  •  Caloocan
  •  Malabon
  •  Navotas
  •  Makati
  •  Maynila
  •  Las Piñas
  •  Muntinlupa
  •  Parañaque
  •  Bacoor
  •  Cavite City
  •  Imus
  •  Noveleta
  •  Rosario  

Ayon kay Laxa, bunga ito ng maintenance work kung saan ikakabit ang rapid mixer sa La Mesa treatment plant.

Ang rapid mixer ay mahalagang instrumento umano sa mga pasilidad sa treatment process ng Maynilad.

Pinapayuhan naman ang mga konsumer ng Maynilad na maaga nang mag-ipon ng tubig.

—Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.