ALAMIN: Parusa sa malisyosong pagpapakalat ng nude photos

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2019 07:40 PM | Updated as of Jun 09 2019 08:05 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Mapaparusahan sa ilalim ng batas ang sino mang nagpapakalat ng mga hubad na retrato nang walang pahintulot, ayon sa isang abogado.

Ayon kay Atty. Claire Castro, pasok ang krimen sa "Anti-Photo and Voyeurism Act."

Ayon sa batas, ipinagbabawal ang pag-publish o pag-broadcast ng mga retrato o video ng kahit anong sexual act kung wala itong permiso.

"Kapag kasi kumuha ka ng mga larawan kahit na with the consent ng kinunan mo, 'yung mga larawan na naka-expose 'yung kanilang private parts o doing the act kahit sabihin na nating may consent. Kung sa'yo lang ito ibinigay [hindi dapat ikalat]," ani Castro sa "Usapang de Campanilla."

"Pag ito ay pinasa mo sa iba, magiging liable ka rito sa pagpapakita ng maseselang bahagi ng katawan ng tao," dagdag niya.

Maaaring patawan ng 3 hanggang 7 taong pagkakakulong at multang P100,000 hanggang P500,000 ang sino mang mapapatunayang lumabag sa naturang batas.

Maaalalang hindi nagmartsa ng ilang graduating students sa isang high school matapos pagpasapasahan ang nude photos ng mga kanilang kasintahan.

[PLS EMBED "hindi nagmartsa" to: https://news.abs-cbn.com/news/05/29/19/6-pisay-seniors-na-dawit-sa-photo-scandal-di-pinagmartsa]

Bagama't pawang mga menor de edad ang nadawit sa photo scandal, ayon kay Castro ay maaari naman daw kasuhan ang mga magulang ng mga nagkalat sapagka't maituturing na civil offense ang nangyari.

"Makakasuhan ko ba iyung mga bata? Definitely not. Kasi high school ang mga involved dito. Pero puwede kasi nilang kasuhan 'yung mga parents," ani Castro.

"Sa RA 2180 ang sabi sa batas hindi lang 'yung taong gumawa [ang liable]. So sino ang responsable sa minor? Iyung guardian. So with that puwedeng kasuhan 'yung parents ng mga menor de edad na gumawa ng krimen" dagdag ni Castro.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.