6 pulis nakuryente sa gitna ng SAF training

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2019 04:11 PM

Makikita sa larawang ito ang bakal na sumabit sa power line, dahilan para makuryente ang 6 na pulis na may hawak nito. Larawan mula sa Calatagan police

MANILA -- Sugatan ang 6 na pulis matapos makuryente sa gitna ng training ng Special Action Force sa Calatagan, Batangas, Sabado ng hapon. 

Gumagawa ng water pump ang mga pulis sa training site sa Barangay Talibayog nang sumabit sa linya ng kuryente ang hinahawakan nilang bakal. 

Nagpapagaling pa sa ospital ang 4 sa kanila, Linggo, habang nakalabas na ang 2 pang nagtamo lamang ng minor injuries. 

May ranggong patrolman ang mga biktima. 

Ulat ni Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.