2,300 kilo ng basura nakolekta sa Davao City coastal cleanup

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2019 09:48 AM

Nagtulungan ang mga residente at volunteers upang linisin ang baybayin sa Davao City. ABS-CBN News

Nagtulungan ang mga residente at volunteers upang linisin ang baybayin sa Davao City. ABS-CBN News

Nagtulungan ang mga residente at volunteers upang linisin ang baybayin sa Davao City. ABS-CBN News

DAVAO CITY - Nahakot ng mga volunteer ang nasa 2,300 kilo ng basura mula sa baybayin ng Barangay 76-A Bucana sa lungsod na ito, Sabado ng hapon. 

Kabilang sa nasa 500 volunteers ang Students Environmental Alliance of Davao. Nag-ambag-ambag sila upang makapagbigay ng P5 kapalit sa bawat sako ng basurang mahahakot ng mga tumulong na residente at bata. 

Karamihan sa mga nakolektang basura ay mga plastic, tetra packs, cellophane at mga sirang sapatos at bag. 

Layunin ng clean up drive na mapaabot sa publiko ang kahalagahan ng paglilinis sa paligid at tamang pagtapon ng basurang nakakasama sa yamang-dagat at kalusugan ng tao. 

"More on awareness raising ba na kung hindi tayo maglilinis, kailan pa? Kung wala na tayong malalakaran na buhangin at puro basura na?" sabi ni Miralou Blanco ng Environmental Management Bureau-Davao Region. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.