Suspek na sangkot sa pagpatay sa isang taxi driver, tiklo

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2018 06:29 AM

MAYNILA - Arestado sa Valenzuela City ang isang sangkot umano sa pamamaslang sa isang taxi driver.

Nahuli si Ruel Valdemos, 36 anyos, sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya.

Nakuha sa kaniya ang ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Kakalaya lamang ni Valdemos noong 2015 dahil sa kasong robbery.

Ayon sa pulisya, miyembro umano ito ng isang grupo na nanghoholdap ng mga estudyante.

Pinabulaanan ng suspek na sangkot siya sa pagtutulak.

Inamin naman niya na may kinalaman siya sa nangyaring pamamaslang ng isang taxi driver noong Mayo pero nagsilbi lamang siyang lookout. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.