P1.2-milyong halaga ng seahorse nasabat sa Bacolod-Silay Airport

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2018 06:08 PM

Nasabat ng mga awtoridad ang 58 kilo ng seahorse sa Bacolod-Silay Airport nitong Sabado. Nico Delfin, ABS-CBN News

Nasabat ang nasa P1.2 milyong halaga ng seahorse na itinuturing na endangered species sa Bacolod-Silay Airport, Negros Occidental nitong Sabado.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ilegal ang paghuli at pag-biyahe ng mga seahorse.

Ayon sa coordinator ng forwading company na siyang nag-apply para sa local transport permit para sa bagahe, hindi niya inakala na seahorse ang laman ng 3 karton sa halip na mga isdang daing na siyang idineklara ng isang Chinese businessman na nagbayad para sa cargo.

Nasa kustodiya na ng BFAR ang nasabat na 58 kilos ng seahorse na pinaniniwalaang ginagamit sa medisina o hindi kaya sa pagkain.

Haharap naman sa kasong paglabag sa Fisheries Code of the Philippines ang tinutukoy na negosyante kasama ang tauhan ng forwarding firm.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.