Mga taong matagumpay, 'hirap' humingi ng tulong: eksperto

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2018 07:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inilahad ng isang eksperto nitong Sabado na hindi madali para sa mga taong tanyag at matagumpay sa buhay ang humingi ng tulong para sa kanilang problema o personal na suliranin.

"They are really expected to be on all the time and they are expected to be successful and not need help from anyone," ani Hazel Benigno, isang clinical psychologist.

Aniya, ang mahalaga ay mayroong mga tao na laging nandiyan at handang tumulong, makinig, at gumabay.

"We encourage folks to utilize their resources. Reach out to community members. Practice your spirituality, especially in the Filipino community, those are important to us," dagdag ni Benigno.

Nitong Biyernes ay naging usap-usapan ang pagkamatay ng batikang celebrity chef na si Anthony Bourdain sa France.

Bumuhos sa social media ang mensahe ng kalungkutan para sa nangyari. Hindi lubos maisip ng karamihan na may mabigat na pinagdaraanan si Bourdain kahit tila pa nasa kaniya na lahat.

Lubos din na ikinalungkot ng Filipino-American chefs ang insidente dahil hindi anila matatawaran ang ambag ni Bourdain sa larangan ng pagluluto.

"He influenced a lot of people like me as a chef, not only that he opened a lot of people to his shows, not only because of food, including also his travel all over the world, the cuisine, the culture,” ani chef Aris Tuazon.

"He did a big contribution of helping putting Filipino cuisine on the mainstream, although we are not there yet, but he is a big part," dagdag ni Tuazon.

Malapit sa puso ni Bourdain ang mga putaheng Pinoy na mas nakilala pa niya sa ilang beses niyang pagbisita sa Pilipinas.

-- Ulat ni Henni Espinosa, ABS-CBN News

Editor's note:

May mga grupo sa Pilipinas na handang makinig sa mga taong nakararanas ng matinding kalungkutan at depresyon.

Kabilang na rito ang Natasha Goulbourn Foundation na handang tumugon kahit na anong oras.

Narito ang kanilang hotline numbers:

Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

In Touch Crisis Lines:
0917-572-HOPE or (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 or (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 or (632) 346.8776
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.