Mag-live-in partner, timbog sa droga sa Quezon

Raffy Santos, ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2018 06:03 PM | Updated as of Jun 09 2018 11:03 PM

(UPDATE) Arestado ang mag-live-in partner matapos umanong manlaban sa pulisya sa bayan ng Pagbilao, lalawigan ng Quezon nitong Sabado.

Ayon sa pulisya, nagpanggap ang kanilang ahente na bumili ng P1,000 halaga ng droga sa isang alyas Marvy sa tindahan nito sa Barangay Sta. Catalina.

Nang inaresto na si Marvy at isinakay sa police mobile, lumabas ang live-in partner nitong si PO1 Hezri Jarder, isang miyembro ng Lucena City Police SWAT, at pinagbabaril ang pulisya gamit ang isang Tabor rifle.

Natamaan ni Jarder si alyas Marvy sa braso at napilitang gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa maaresto si Jarder.

Nasa kustodiya na ng Pagbilao Municipal Station ang 2 suspek na nakuhanan ng P3,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Inihahanda naman ng pulisya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa dalawang suspek, at karagdagang kasong attempted homicide laban kay Jarder.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.