3 sasakyan nadaganan ng puno sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2018 04:59 PM

Nabagsakan ng isang puno ang 3 sasakyan sa kasagsagan ng pag-ulan sa Makati City nitong Sabado

Nadaganan ng isang puno ang tatlong sasakyan matapos bumagsak sa kasagsagan ng pag-ulan sa Barangay San Lorenzo, Makati City nitong Sabado.

Naalis na ang puno kung saan ugat at troso na lang ang naiwan matapos ilagare ng mga awtoridad. Nakatakda ring tanggalin ang natitirang parte ng puno.

Walang naitalang nasaktan sa insidente.

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.