3 lalaki patay sa buy-bust operation sa QC

Ron Lopez at Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2018 11:54 PM | Updated as of Jun 10 2018 07:08 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

MAYNILA—Dead on the spot ang tatlong lalaki matapos makipagbarilan umano sa pulisya sa Barangay Pansol, Quezon City Sabado ng gabi.

Nauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation ng Quezon City District Drug Enforcement Unit at District Special Operation Unit sa loob ng isang bahay sa may Hazer Street.

Nasawi sa engkuwentro ang mga suspek na sina Jayson Umali, alyas "Nhing," at alyas "Badjok" na isang linggo pa lang umano nangungupahan sa gusali.

Nakuha mula sa pinangyarihan ang mga baril, mga sachet ng hinihinalang shabu at marijuana, at marked money.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.