1 patay, 1 kritikal dahil sa away sa tubig

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2018 05:32 AM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa pa nang mauwi ang kanilang alitan sa pananaksak at pamamaril sa Pasay City.

Dead on the spot si Rodrigo Opinaldo, isang security guard, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Nasa kritikal naman na kondisyon si Joel Lerios na nagtamo naman ng saksak sa dibdib at braso.

Ayon sa isang testigo, nakatira sa magkatapat na kuwarto ang 2 lalaki.

May kainuman si Opinaldo sa loob ng isang compound sa Electrical Road. 

Inaway umano ni Opinaldo si Lerios dahil sa kalasingan.

Nag-away ang 2 at sinaksak umano ni Opinaldo si Lerios. Gumanti naman si Lerios at pinagbabaril si Opinaldo.

Away sa tubig ang sinasabing dahilan ng alitan ng dalawa. Aksidente umanong nagamit ni Opinaldo ang inipon na tubig ni Lerios.

Sumuko sa mga pulis si Lerios at nagpapagamot ngayon sa ospital. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.