Lalaki, natagpuang sunog ang katawan sa tabi ng puntod

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2017 09:42 AM | Updated as of Jun 09 2017 09:44 AM

Sunog ang halos buong katawan ng isang lalaki sa isang sementeryo sa barangay Bagsa sa Oas, Albay Huwebes.

Paniwala ng mga residente, noong isang araw pa nasunog ang lalaki dahil may namataan umano silang maitim na sa usok mula sa sementeryo Miyerkoles pa ng hapon.

Ayon sa isang residente na tumangging ibigay ang pangalan, bago mamataan ang maiitim na usok, nakita umano ang lalaki sa isang tindahan malapit sa lugar na tila balisa bago pumasok mag-isa sa sementeryo.

Ayon sa mga awtoridad, wala pang pagkakakilanlan ang natagpuang bangkay na tinatayang nasa 50-anyos.

Hinihintay pa ang paglabas ng resulta ng autopsy upang malaman kung may nangyaring foul play o sinadya mismo ng lalaki na sunugin ang sarili.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.