TFC News

TINGNAN: Selebrasyon ng 125th PH Independence Day sa The Hague, nagsimula na

TFC News

Posted at Jun 08 2023 01:27 PM

THE HAGUE - Maagang nagdiwang ng 125th Philippine Independence Day ang Filipino community sa The Netherlands sa pamamagitan ng reception na binigay ng Philippine Embassy The Hague sa pamumuno ni Ambassador J. Eduardo Malaya.

Nagtipon-tipon ang may 200 Pilipino na binubuo ng FilCom leaders, artists, entrepreneurs, estudyante at professionals sa Rizal Courtyard ng embahada para sa isang hapon ng kwentuhan, kainan, kantahan, sayahan at raffle draws.

1
16
2
4
12
13
16
5

Tampok sa reception ang pagtatanghal ng ilang Pinoy artists gaya nina Ann Antonio, Annabelle Ausa, Rafaella Mercado Lelieveld, Cristina Barabat, Patrick Lacorum, at Valrivia band.

Ang reception ay pasasalamat ng embahada sa suporta ng Filipino community sa Netherlands, nais nilang lumakas pa kasi ang kanilang ugnayan sa komunidad.

7
8
9

Simula pa lang ito ng mga pagdiriwang. Sa June 10 ay inaasahang dadagsain ang taunang Kalayaan Fiesta sa Spaarnwoude terrain malapit sa Amsterdam; sa June 14 naman ay reception para sa diplomatic corps; at June 24. Magkakaroon naman ng piyesta ang mga Filipino organisation sa The Hague.

11

Abangan ang buong ulat sa TFC News sa TV Patrol.