OSLO - Magtutulungan ang Pilipinas at Norway upang maisakatuparan ang ilang environmental projects sa Pilipinas.
Ito ang napag-usapan ni Philippine Ambassador to Norway Enrico Fos at Karoline Andaur, CEO ng World Wide Fund for Nature Inc. (WWF) noong May 15 sa Philippine Embassy sa Oslo.
Ang WWF ay isa sa mga respetadong independent environmental organizations na matatagpuan sa may isandaang bansa sa buong mundo at may halos anim na libong empleyado.
Sina World Wide Fund for Nature Inc. (WWF)-Norway CEO Karoline Andaur (kanan) at Philippine Ambassador to Norway Enrico Fos (kaliwa) sa pagbisita ng WWF sa Philippine Embassy sa Oslo noong May 15. (PE Stockholm)
Kasama ang kanilang Norwegian partners, tinutulungan ng WWF-Norway ang iba’t-ibang bansa tulad ng Pilipinas sa kanilang “Clean Ports, Clean Oceans: Improving Port Waste Management” project.
Aktibo nilang isinusulong ang plastic waste leakage reduction sa mga pier ng Maynila, Batangas at Cagayan de Oro. Ang proyektong “An Ocean of Possibilities” naman ay magsusulong sa Plastic Smart Cities initiative, katuwang ang iba pang mga organisasyon.
Layon ng proyekto na hinakayatin ang publiko na ilimita ng paggamit ng plastic upang hindi bumara sa mga daanan ng tubig at maging panganib sa yamang-tubig ng bansa.
May limang target sites para sa Plastic Smart Cities sa Pilipinas, una na rito ang Lungsod ng Maynila, Donsol sa Sorsogon, Davao City, San Isidro sa Davao Oriental, at Island Garden City of Samal (IGACOS).
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Norway, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.