MAYNILA (UPDATE) — Isang mananaya ang naging milyonaryo matapos mapanalunan ang P8.9 milyong jackpot prize sa 6/45 Mega Lotto nitong Miyerkoles.
Ayon sa Facebook post ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), mag-isang natamaan ng mananaya ang winning combination na 27-10-18-08-40-36.
Sa Makati City nabili ang winning ticket.
Nagsagawa rin ang PCSO ng draw para sa 6/55 Grand Lotto pero walang nanalo sa jackpot prize na P29.7 milyon.
Ang winning combination nito ay 17-20-29-02-22-39.
KAUGNAY NA VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.