PatrolPH

Guro sa Davao del Norte, nag-alok ng libreng photoshoot sa mga estudyanteng Lumad

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2022 07:21 PM

Hinangaan ang gurong si Dellijane Villasor Panlilio sa Kapalong, Davao del Norte dahil sa dedikasyon nito sa kaniyang tungkulin.

Bukod kasi sa pagtuturo ng Grade 10 students sa Kapatagan Integrated School sa Barangay Gupitan, na isang liblib na paaralan, nagsilbi rin siyang photographer ng mga mag-aaral para sa kanilang moving up ceremony sa darating na Hunyo 28.

"Since wala po kaming ibang resources, kami-kami na lang po mga teachers ang gumagawa ng paraan," ani teacher Dellijane nitong Martes.

Nais lang nilang mabigyan ng simpleng souvenir ang mga estudyante nilang mga Ata Manobo, aniya.

Watch more News on iWantTFC

Libre ang photoshoot ni teacher Dellijane sa kaniyang mga estudyante, na ginanap noong ika-1 ng Hunyo.

"Dati, cellphone lang gamit namin. Ngayon, meron na kaming naba-borrow na camera."

"Lahat ng school activites, meron po silang souvenir na pictures. Iba kasi yung saya nila kapag meron silang something na ma-remember yung event na minsan lang nilang naranasan," dagdag ni Dellijane.

— ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.