Magsasaka patay matapos suwagin ng alagang kalabaw

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2021 04:44 PM | Updated as of Jun 08 2021 04:57 PM

Paiinumin sana ng magsasaka ang alagang kalabaw nang magwala ito at ilang beses siyang suwagin sa bayan ng Patnongon sa Antique. Larawan mula sa Patnongon Police

Patay ang isang magsasaka matapos suwagin ng alagang kalabaw sa Barangay Aureliana, Patnongon, Antique, Lunes ng hapon.

Sa imbestigasyon ng Patnongon Police, tangkang painumin ng magsasakang si Noe Operio, 46 anyos, ang alagang kalabaw nang bigla itong nagwala at sinuwag siya ng ilang beses.

Tinangka pa na pigilan ng mga nakakita ang kalabaw pero hindi ito maawat.

Napag-alaman na mabangis ang alagang kalabaw ni Operio, ayon sa awtoridad.

Samantala, kaagad na dinala sa ospital si Operio pero idineklara itong dead on arrival matapos magtamo ng 14 na sugat na tama ng sungay ng kalabaw sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan.

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more in iWantTFC

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.