PatrolPH

Higit P3 milyong halaga na droga nasabat sa Bicol; 2 arestado

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2021 06:46 AM | Updated as of Jun 08 2021 07:33 AM

Watch more on iWantTFC

Arestado ang 2 umano'y high-value drug suspek sa magkahiwalay na buy-bust sa Bicol. 

Samantala, higit P3 million na halaga ng droga ang nakuha mula sa mga suspek. 

Ayon kay Police Brig. Gen. Jonnel Estomo, regional director ng Police Regional Office 5, nitong Sabado nagpanggap na bibili ng P600,000 na halaga ng shabu ang isang police poseur buyer sa suspek. Nagkita sila sa Triangulo, Naga City. 

Matapos ang transaksyon, hinuli agad ang suspek na babaeng residente ng bayan ng Silang, Cavite, at miyembro umano ng isang drug syndicate. 

Kontrolado rin umano niya ang mga illegal drugs sa Bicol.

Nakuha mula sa suspek ang nasa 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na higit P3 milyon.

Samantala sa isa pang drug bust sa baya ng Paracale, Camarines Norte, inaresto naman ang tinawag na "regional level priority" drug suspect. Target ng operasyon si alyas Rodel. 

Nakuha sa kanya ang hinihinalang droga na may halagang P30,000. 

Nakakulong na ang mga suspek sa detention facility drug enforcement unit ng police regional office 5.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.