Higit 2,000 violators tiklo sa unang araw ng MECQ sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2021 08:42 PM

Higit 2,000 na tao ang nahuli ng mga awtoridad sa paglabag ng unang araw ng modified enhanced community quarantine sa Davao City.

DAVAO - Umabot sa 2,148 na tao ang nahuli ng mga awtoridad sa paglabag ng unang araw ng modified enhanced community quarantine sa Davao City.

Sa datos ng Davao City Police, pinakamarami ang nahuli na walang suot na face shield na aabot sa 822.

Sinundan ito ng mga hindi nagsuot o hindi wasto ang pagsuot ng face mask na aabot sa 589, at 351 ang inaresto dahil sa mass gathering. 

Ang mga hindi sumunod sa physical distancing ay umabot sa 351 habang 347 ang hinuli dahil sa paglabag sa curfew.

Nasa 55 ang hindi gumamit ng motorcycle barrier, at 37 naman ang non-essential travelers. Tatlo din ang nagpresenta ng pekeng RT-PCR test result, at dalawa naman ay liquor ban violators.

Hinuli ang higit mga violator sa loob lamang ng isang araw noong Hunyo 5, at sinampahan na ng kaso ang 77 dito.

Mula Hunyo 5 hanggang Hunyo 20, 2021, nakailalim sa MECQ ang Davao City dahil sa umaakyat na kaso ng COVID-19 sa lungsod.

—Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.