Babae patay sa sunog sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2021 12:33 AM | Updated as of Jun 08 2021 01:57 AM

Kuha ng BFP Zamboanga

ZAMBOANGA - Patay ang isang 30-anyos na babae sa sunog sa isang residential area sa Barangay Tumaga, Zamboanga City, Lunes ng gabi. 

Kinilala ang biktima na si Maria Leilene Lagonera na nakatira sa sumiklab na Lagonera Compound.

Nagtamo ng first degree burns sa kaniyang likod ang isang lalaki matapos subukan niyang sagipin si Lagonera mula sa nasusunog na bahay ng biktima.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog. Tinatayang nasa P700,000 ang halaga ng natupok ng apoy. 

Inaalam pa rin ang sanhi ng sunog. 

—Ulat ni Leizel Lacastesantos

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.