Alitan sa di maalalang utang na P500 nauwi sa saksakan, 1 patay

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2021 05:12 PM

GAMAY, Northern Samar — Patay sa bayang ito ang isang mangingisda matapos siyang saksakin ng nakaalitang kapwa mangingisda nitong Sabado ng gabi.

Nangyari ang insidente sa Barangay Dao.

Ang biktima ay nakilalang si Nilo Afable Esteria, 45, habang ang suspek ay kinilalang si Henry Mendez Nofies, 67.

Sa impormasyon mula sa Northern Samar Police Provincial Office, nag-ugat ang pananaksak matapos singilin ng suspek ang biktima sa umano'y P500 na utang nito.

Pero nanindigan daw ang biktima na nabayaran na niya ito, na ikinagalit naman ng suspek.

Sinaksak ni Nofies si Esteria sa iba't ibang bahagi ng katawan. Naisugod pa ito sa ospital pero binawian din ng buhay.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder. 

—Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.