Sunog sa industrial area sa Malabon, kontrolado na matapos ang higit 20 oras

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2020 11:23 PM | Updated as of Jun 09 2020 09:04 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Matapos ang mahigit 20 oras, kontrolado na ang sunog sa isang industrial area sa Potrero, Malabon Lunes ng gabi.

Tuluyang nakontrol ang sunog bandang 9:42 p.m.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, tatlong warehouse ang apektado sa sunog. Ang isa rito, packaging warehouse na naglalaman ng mga kahon.

Nagsimula ang sunog pasado ala-1 ng madaling araw, at umabot sa ikaapat na alarma alas-2:34 ng madaling araw.

Wala pang naiulat na nasawi o nasugatan dahil sa sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.