'Pantawid ng Pag-ibig': Food packs hatid sa ilang residenteng na-lockdown sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2020 08:02 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Basyong bote ng tubig na nakasabit sa lubid ang nilalagyan ni Oneal Requilman ng pera para iabot sa katapat na tindahan ang pambili ng kaunting tinapay.

Hindi kasi puwedeng lumabas sa kabilang bahay dahil naka-hard lockdown ang lugar nila sa Barangay Libis, Quezon City.

“Ginawan ko na ng paraan para magka-social distancing,” ani Requilman.

Nasa 14 na araw ang hard lockdown sa 2 eskinita sa Libis matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang isang bagong panganak na ginang at nahawa ang kaniyang pamilya.

“’Yong buong pamilya nakontamina, 6 sila doon sa loob, 6 lahat ‘yon nag-positive,” anang barangay chairperson na si Leny Pasco.

Malaki naman ang pangamba ng street sweeper at residente ng barangay na si Julie Olino na baka mawalan siya ng pantustos sa kaniyang pamilya.

“Hindi na kami makapasok. ‘Yan lang ‘yong inaasahan namin ngayon mula nang nag-lockdown... ngayon wala nang labasan, wala talaga,” ani Olino.

Para maiwasang magutom ang nasa 105 pamilya sa lugar, nagkaroon ang barangay ng soup kitchen.

Dinugtungan ito ng 1,400 food packs ng Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN.

“Nagpapasalamat po ako sa ABS-CBN. Malaking tulong po ito sa amin,” ani Pasco.

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.