PatrolPH

TINGNAN: Silid-aralan sa Tacloban, pinalamutian ng Hello Kitty

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2019 02:50 PM

TINGNAN: Silid-aralan sa Tacloban, pinalamutian ng Hello Kitty 1
Screengrab

Agaw-atensiyon ang isang classroom sa Tacloban City sa Leyte dahil sa namumutiktik na Hello Kitty collection nito. 

Makulay at kakaibang saya ang hatid ng isang classroom sa San Fernando Central School. 

Saan mang sulok ng classroom ay may Hello Kitty items gaya ng electric fan, water dispenser, at cabinet. 

TINGNAN: Silid-aralan sa Tacloban, pinalamutian ng Hello Kitty 2
Screengrab

Pinalamutian din ng Hello Kitty ang palikuran nito. 

Pakana ito ng Grade 2 teacher na si Eilyn Cinco, na pati personal na gamit niya ay may Hello Kitty na theme. 

Ani Cinco, nakahiligan niyang gawing makulay ang kaniyang classroom para makahikayat ng estudyante. 

Dati na ring nakagawian ito ni Cinco pero nasira ng Bagyong Yolanda ang dati niyang classroom.

TINGNAN: Silid-aralan sa Tacloban, pinalamutian ng Hello Kitty 3
Screengrab

Nakabangon naman daw siya at nakalikom ng pondo sa tulong ng mga kaibigan. 

Ayon sa estudyanteng si Nigel Puso, pakiramdam niya isang palasyo ang kanilang classroom. 

Malaki man ang nagastos ni Cinco para mapaganda ang sariling silid-aralan, hindi na raw niya ito alintana basta't masaya at komportable ang kaniyang mga estudyante. 

-- Ulat ni Sharon Evite, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.