Nawawalang diver sa Palawan patuloy na pinaghahanap

Diana Lat, ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2019 01:03 PM | Updated as of Jun 08 2019 08:03 PM

Pinaghahanap pa rin ng awtoridad ang nawawalang diver na si Bryan Nazareno sa Tubbataha Reef sa Palawan. Larawan mula kay Karrots Nazareno

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (UPDATE) – Patuloy ang paghahanap sa lalaking diver na may limang araw nang nawawala matapos na sumisid sa bahagi ng Tubbataha Reef sa Palawan.

Sabado nang magsagawa ng pagpupulong ang Joint Task Force Integrated Crisis Action Response to Emergencies (I-CARE) ng Western Command sa Puerto Princesa para talakayin ang resulta ng ginagawang search and rescue operation para sa nawawalang diver na si Bryan Nazareno.

"According to the latest nilang rescue operations, zero sighting po kay Bryan. Walang pong body na lumutang, na floating and there was no equipment underwater that was sighted," ayon kay Lt. Col. Stephen Penetrante, public affairs officer ng Wesmincom. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Lunes nang mawala si Nazareno matapos mag-dive sa Amos Rock sa bahagi ng Tubbataha Reef. Kinabukasan naman naipagbigay-alam sa awtoridad ang pagkawala nito.

Sa larawang kuha ng mga diver na kasama ni Nazareno sa pag-dive, ilang minuto bago nawala siya ay makikitang kumukuha pa ito ng mga retrato ng mga bahura. Wala man lang daw senyales na may nararamdaman ito o may naging problema ito habang nagda-dive.

"Nagsa-sign pa siya ng okay. Tapos tinitingnan niya pa 'yung camera niya, underwater camera. There was no sign of panic or whatever danger kay Bryan. Ang tawag nga nila doon chill. Cool na cool si Bryan sa baba, at nakikita naman doon. 'Yung fin niya, relaxed 'yung fins niya. Walang nahulog na equipment. So, kaya nasasabi nila is mysterious," ani ni Penetrante.

Sabi naman ng asawa ni Nazareno na si Karrots, napansin na lang ng kasamahan niyang divers na nawawala na siya sa grupo sa una nilang decompression stop.

"Parang there's like a safety procedure wherein you have to decompress at certain levels, right? So at that first decompression stop where everybody was, that's where they all met and it was only like not even 5 minutes, not even 3 minutes, maybe in a span of 1 minute, that's when they realized that he was no longer in the group," kuwento ng kaniyang asawa.

Umaasa pa rin ang asawa ni Nazareno na buhay ito.

"He's been diving for about 20 years. He has about 600 dives under his belt. At least me, I’m operating on the assumption that he's still alive and he's floating somewhere. Hopefully, a fisherman picked him up or he is awashed. So we're communicating with local communities along the seaside, hopefully they have seen something," dagdag ng misis ni Nazareno.

Patuloy ang isinasagawang air, underwater and sea surveillance ng search and rescue task force.

Nananawagan din ang pamilya niya sa sinumang makakita sa kaniya na makipag-ugnayan sa awtoridad.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.