Landslide naitala sa Davao City dahil sa malakas na ulan

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2019 02:00 AM

Watch more in iWantTFC
Claire Cornelio, ABS-CBN News

DAVAO CITY - Gumuho ang lupa ng isang bundok sa Davao City Miyerkoles ng gabi bunsod ng malakas na pag-ulan.

Walang nasugatan sa insidente, pero pahirapan ang mga residente ng Sitio Matigsalog, Barangay Marilog na makadaan dito.

Ayon kay Alberto Maliao Jr., apektado ang kanilang paghatid ng mga produktong gulay.

"Wala kaming ibang dadaanan kundi ito lang. Kung paakyat kami, ito lang din ang daan. Kung 'di pa ito puwedeng madaanan, mahihirapan kami mailabas ang mga produkto namin," aniya.

Kasalukuyang mga motorsiklo lang ang puwedeng makapasok sa lugar.

Para naman kay Dodong Aglas, pinangangambahan niyang magkakaroon uli ng landslide sakaling uulan.

"Tuwing malakas ang ulan, 'di ako makatulog kasi nakikinig ako sa paligid," aniya.

Ipinaabot na ng barangay ang problema, gaya ng paggamit ng heavy equipment para sa clearing operation, sa lokal na pamahalaan. - Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.