Lalaking nakipag-inuman patay sa pamamaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2019 05:13 PM | Updated as of Jun 08 2019 08:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patay ang isang lalaki nang tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin sa Batasan Hills, Quezon City. 

Kinilala ang biktima na si Manuel Toldanes, na nakikipag-inuman nang mangyari ang pamamaril. 

Nilapitan umano ng 2 naka-bonnet at isang nakasuot na sombrero si Toldanes saka ito pinagbabaril. 

Nakaligtas ang live-in partner ni Toldanes at ang iba nilang kainuman. 

Wala naman umanong naka-away ang biktima kaya palaisipan sa kanila kung sino ang nasa likod ng pamamaril. 

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para agad matukoy ang gunman. — Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.