Lalaki patay nang saksakin ng ice pick sa Calbayog City

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2019 12:28 PM

CALBAYOG CITY, Samar – Patay na nang matagpuan ang isang lalaki ng mga residente sa Barangay Capoocan dito sa siyudad, Huwebes ng gabi.

Sa impormasyon mula sa Police Regional Office 8, nakilala ang biktima na si Rolly Boy Locisan, 19, crew ng isang restaurant sa nasabing siyudad.

Sa imbestigasyon ng Calbayog City police, naglalakad ang biktima nang saksakin ito ng hindi pa nakikilalang mga lalaki. Agad tumakas ang mga salarin.

Nakuha naman ng Scene of the Crime Operatives ang ginamit na ice pick sa pananaksak.

Patuloy na iniimbestigahan ng Calbayog City Police ang insidente upang malaman ang motibo sa krimen at mapanagot ang mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.