Balasahan sa PhilHealth ipag-uutos ni Duterte sa gitna ng dialysis scandal

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2019 07:02 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakatakdang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang balasahan sa loob ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kasunod ng mga napabalitang gagamit na pondo para sa dialysis ng "ghost patients" o iyong mga patay na.

Kasunod ito ng pag-ulat nitong Huwebes ng pahayagang Philippine Daily Inquirer ang patuloy umanong pangungubra ng WellMed sa PhilHealth.

Ayon sa dating empleyado ng pasilidad na si Edwin Roberto, naghahain umano ng claim ang WellMed sa PhilHealth kahit patay na ang ginagamot na pasyente.

Ayon kay Duterte, kailangan i-reorganize ang PhilHealth, at maglatag ng mga bagong sistema partikular na sa accounting para sa check and balances at maprotektahan ang pera ng bayan.

“For the sheer amount that was lost, I have to reorganize your entity, change maybe all of you and install a more . . . systems of accounting and accountability,” aniya. 

Iniutos na rin ni Duterte na arestuhin ang may-ari ng pribadong dialysis center. 

"I'll tell the NBI, 'Arrest the idiot.' And I will bring him to Malacañang and I'll ask him, 'Tell me the truth or I'll throw you to the river,' ” ani Duterte.

Ayon naman kay Dr. Minguita Padilla, pangulo ng Eye Bank Foundation of the Philippines, dapat magbitiw na ang mga miyembro ng PhilHealth board. 

“I'm for the drastic reformation, reorganization, courtesy resignation to give the President a free hand,” aniya. 

Kinuwestiyon naman ni Harry Roque, na tumayong abogado sa isa sa mga nagreklamo kontra sa dialysis center, kung bakit patuloy na nakakatanggap ng bayad mula sa PhilHealth ang dialysis center. 

Pero ayon sa PhilHealth, simula Hunyo 6, wala nang bayad na natanggap ang dialysis center. — Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.