Babae patay sa pananaksak sa QC

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2019 09:26 AM

MAYNILA – Patay ang isang 18 anyos na babae matapos pagsasaksakin sa loob ng kaniyang bahay sa La Trinidad, Payatas sa Quezon City, Biyernes ng hapon.

Nagtamo ng tatlong saksak sa katawan ang biktima.

Ayon kay Police Lt. Col. Joel Villanueva, hepe ng Quezon City Police District Station 6, tanghali ng Biyernes nang huling makitang buhay ang biktima ayon sa mga kapitbahay.

Anila, Grade 10 student ang babae na mag-isang nakatira sa bahay dahil nasa ibang bansa ang kaniyang mga magulang.

Dagdag pa ni Villanueva, magulo ang bahay ng biktima at posibleng pinasok habang natutulog ang dalaga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.