Pustahan sa NBA Finals nauwi sa pananaksak; 1 patay

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2018 11:25 AM | Updated as of Jun 08 2018 11:22 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

ZAMBOANGA CITY - Patay ang isang 28-anyos na lalaki matapos siyang saksakin ng kaniyang kasamahan sa inuman, Huwebes ng gabi.

Dead on arrival sa pagamutan si Henry Macapili na nagtamo ng saksak sa tiyan.

Ayon sa suspek na si Marvic Macotocruz, nagsimula ang lahat dahil sa pustahan sa NBA Finals kung sino ang mananalo sa laban ng Cleveland Cavaliers o Golden State Warriors.

Pinagtulungan aniya siya ng biktima at isa pang kasama kaya sinaksak niya ang biktima.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Police Station 7.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.