Bangka, lumubog sa Surigao

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2018 03:43 PM

Isang bangka ang lumubog sa dagat na sakop ng Barangay Danawan sa Surigao City, Biyernes ng umaga.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Coast Guard Sub Station Roxas na si PO3 Dominic Degamo, galing ng Dinagat Island ang M/B Danrev.

Pagdating sa nasabing lugar, nakasalubong nito ang malaking alon sanhi ng paglubog ng bangka.
 
Agad naman na-rescue ang 38 pasahero at anim na crew, kabilang na ang kapitan ng bangka na si Danilo Tumaquin.

Nakabalik na ng Dinagat Island ang mga sakay na pasahero kabilang na ang mga crew. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.