2 patay sa engkuwentro sa Smokey Mountain

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2018 06:10 AM

MAYNILA - Patay ang 2 hinihinalang tulak matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Smokey Mountain sa Maynila.

Nakuha sa mga suspek ang 2 baril at ilang pakete ng umano'y shabu.

Ayon sa pulisya, tumakas sakay ng motorsiklo ang mga suspek nang makahalata na pulis ang kanilang katransaksiyon.

Nagpaputok pa ito sa mga pulis at umabot sa Smokey Mountain kung saan sila napatay.

Nadiskubre rin ng pulisya na ginagamit ng mga suspek bilang drug den ang mga nakatambak na container sa lugar.

Wala namang nasugatan sa mga pulis sa engkuwentro. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.