5 sugatan sa sunog sa Bacolod

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2017 09:19 AM

Limang katao ang nasugatan sa pagsiklab ng apoy na tumupok din sa anim na kabahayan at isang boarding house sa Bacolod City nitong Miyerkoles ng gabi.

Nakilala ang mga nasugatan sa insidente na sina Glen Celis, ang asawa niyang si Joan, amang si Danielo, Ana Fe Barreño at isa pang kapitbahay.

Ayon kay Senior Fire Officer 2 Archie Españo, naganap ang insidente alas-8:30 ng gabi sa kuwarto sa loob ng bahay ng pamilya Celis sa Purok Sampaguita sa Barangay 38.

Maliban kay Joan, nasa loob ng bahay ang lahat nang maganap ang sunog. Agad naman silang nakalabas bago pa lumaki ang apoy.

Naapula ang apoy isang oras matapos itong sumiklab.

Tinatayang aabot sa P500,000 ang pinsalang inabot ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.