13 menor de edad, nasagip sa 2 night club

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2017 11:21 AM

MAYNILA - Sinalakay ng Women and Children Protection Center ng Philippine National Police (PNP) ang 2 night club sa Kamuning, Quezon City kung saan nasagip ang 13 menor de edad na babae.

Ayon sa pulisya, ibinubugaw rin ang mga menor de edad na ito bukod pa sa pagtrabaho bilang serbidora. Sa likod ng isang kurtina, nadiskubre din ng mga awtoridad ang nakatagong VIP room.

Wala namang tigil sa pag-iyak ang mga dalagita nang sinabing isasama sila ng mga pulis. At kahit anong gawin, hindi mapatahan ang mga ito. 

Matapos nito, agad isinailalim sa closed door counseling ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasagip na dalagita.

May mga inihanda nang programa ang DSWD para sa kanila.

Paglabag sa anti-trafficking law ang kasong kakaharapin ng may-ari na pinaghahanap na ngayon. Huli naman ang dalawang waiter nito. Umagang kay Ganda, 8 Hunyo 2017