PatrolPH

Higit 88,000 trabaho alok sa Independence Day job fair

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2022 06:27 PM | Updated as of Jun 07 2022 08:07 PM

Watch more News on iWantTFC

Aabot sa 88,677 trabaho ang alok sa job fair na idaraos ng Department of Labor and Employment sa Independence Day sa Hunyo 12.

Sa bilang na iyon, 80,627 ang local employment na karamihan ay nasa manufacturing, business process outsourcing, construction, at logistics.

Nasa 8,050 naman ang puwedeng apply-an sa overseas employment.

Sa Bulacan Capitol Gymnasium ng Malolos idaraos ang main event pero may kaniya-kaniyang venue ang lahat ng rehiyon na maaaring makita sa website ng DOLE Bureau of Local Employment.

Karamihan sa job fair ay face-to-face pero may ilang lugar na humiling na magkakaroon pa rin ng online job fair.

— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.