PatrolPH

Senior sugatan, 50 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Cebu City

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2022 01:25 PM

Watch more News on iWantTFC

Aabot sa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Cebu City noong Lunes.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection kung paano nagsimula ang apoy sa Barangay Ermita. 

Nasa 25 bahay ang natupok, kung saan 50 pamilya o 150 indibidwal ang naapektuhan.

Nasugatan naman sa insidente ang isang senior citizen.

Nag-iwan ng nasa P750,000 halaga ng pinsala ang sunog.

Pansamantalang tumutuloy sa barangay gym ang mga biktima.

— Ulat ni Annie Perez

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.