P2.4 milyong halaga ng marijuana bricks kumpiskado sa Tarlac

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2021 07:37 PM

Retrato mula sa Philippine Drug Enforcement Agency-Central Luzon

Aabot sa P2.4 milyong halaga ng hinihinalang dried marijuana leaves ang nakumpiska ng mga awtoridad sa 2 suspek sa Tarlac nitong Linggo.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga naaresto na sina Julius Castro, isang 24 anyos na massage therapist, at John David Tapar, 28 anyos na driver.

May bigat na 20 kilo ang 20 bricks ng hinihinalang marijuana na nakuha sa mga suspek.

Kinasuhan ang mga susek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.