Occidental Mindoro governor nagpositibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2021 06:13 PM

Ibinalita ngayong Lunes ni Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano na nagpositibo siya sa COVID-19.

Inanunsiyo ang kaniyang pagkakasakit matapos umano siya makaramdam ng sintomas gaya ng ubo, panghihina ng katawan, at lagnat noong Sabado.

Agad siyang sumailalim sa anti-gen test, at nag-isolate. 

"Matapos lumabas na positive sa rapid antigen test, ako ay sumailalim sa RT-PCR swab testing para mas konkretong resulta," ani Gadiano.

Naka-isolate na at nakatakdang sumailalim sa swab test ang lahat ng nakasama niya para malaman kung nahawa sila. 

"Sa lahat po ng aking nakasalamuha noong June 3 hanggang June 4, ako po ay nakikiusap na sumunod sa naangkop na health protocols para sa kaligtasan ng lahat," ani Gadiano.

Nanawagan ito sa mga taga-Occidental Mindoro ng dasal at pagsunod sa health protocols.

—Ulat ni Andrew Bernardo

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.