May microchip o fetus? DOH pinabulaanan ang ilang kwento ukol sa bakuna kontra COVID

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2021 06:10 PM

Workers receive their first Sinovac COVID-19 vaccine shot in a 'symbolic' vaccination at SM Mall of Asia in Pasay City on June 7, 2021, marking the start of vaccination of people under the A4 category. The vaccination of 'economic frontliners' aims to jumpstart the safe reopening of the country's economy. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA — Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang ilang mga kumakalat na haka-haka hinggil sa bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19).

 

Sinagot ng ahensya ang ilang mga haka-haka hinggil sa bakuna, habang inulit nito na ligtas ang bakuna para gamitin ng publiko. 

ANG BAKUNA BA AY MAY LAMANG MAGNET O MICROCHIP PARA MA-TRACK ANG MGA NABAKUNAHAN?

Nilinaw ng DOH na walang lamang microchip o magnet ang mga bakuna para ma-track ang mga bakunado. Anila, dumaan sa masusing pagsisiyasat ang bakuna upang matiyak ang kaligtasan nito.

MAY SANGKAP NA FETUS BA ANG BAKUNA?

Walang sangkap na fetus ang mga bakuna kontra COVID-19, ayon sa health department. 

MAMAMATAY BA ANG BAKUNADO KONTRA COVID-19 MATAPOS ANG 2 TAON?

Hindi nakamamatay ang bakuna kontra COVID-19. Pinapalakas ng bakuna ang immune system o resistensya kontra sa naturang sakit.

MINADALI BA ANG BAKUNA KONTRA COVID-19?

Epektibo ang bakuna kontra COVID-19. Dumaan ito sa mga naaayon na proseso at protocols sa paggawa ng bakuna. Ayon sa ahensya, kahit pawang mabilis ang paggawa ng naturang bakuna sinisuguro nilang dekalidad ang mga produkto. 

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.