Higit 15 pamilya nasunugan ng bahay sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2021 12:52 PM

Nasa 5 hanggang 7 bahay ang nasunog sa residental area sa Pasya City, Hunyo 7, 2021. Screengrab mula sa video ni Mark Navarro

MAYNILA — Nasa 15 hanggang 20 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa residential area malapit sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sa Pasay City.

Lima hanggang 7 bahay sa Barangay 194 ang nasunog simula ala-1 ng madaling araw nitong Lunes.

Ayon kay kagawad Ricardo Kano Perez, hindi pa alam ang pinagmulan ng sunog pero hinihinalang dahil ito sa away-pamilya sa isang bahay.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na umabot nang ikalawang alarma.

Aabot naman sa P300,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian.

— Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.