PatrolPH

3 huli sa ilegal na pagbebenta ng mga hayop sa Bacolod City

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2020 03:11 PM

MAYNILA — Arestado ang 3 tao dahil sa umano ay ilegal na pagbebenta ng mga hayop sa Bacolod City, sabi ng mga awtoridad.

Nahuli ang 3 suspek sa Barangay Alijis noong Biyernes nang bentahan nila ng hayop ang isang nagpanggap na buyer, ayon kay Chief Master Sgt. Ramiro Gocotano, officer-in-charge ng lokal na Criminal Investigation and Detection Group.

Ayon kay Gocotano, walang naipakitang dokumento ang mga suspek na nagbibigay sa kanila ng pahintulot para magbenta ng mga hayop.

Nabawi sa mga suspek ang isang palm civet cat, 66 piraso ng Orphnaecus Phillipinus, 36 na Orphnaecus Perfumy, 59 centipide, 70 flame leg millipede, 35 black millipede, 25 live viper, 13 live angle head lizard, 2 angle head lizard, 17 sailfin lizards, at 2 patay na cave gecko.

Nakuha rin ang van na ginagamit ng mga suspek bilang service vehicle.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act. -- Ulat ni Yasmin Dormido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.