PatrolPH

Trike driver, patay sa aksidente sa Silay City

Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2019 09:11 AM

Trike driver, patay sa aksidente sa Silay City 1
Tumilapon ang biktima nang mabangga ng kaniyang tricycle ang gulong ng nakahintong bus sa pagtangkang makaiwas sa paparating na ambulansiya. Larawan mula sa Silay Police

SILAY CITY – Patay ang 44-anyos na lalaki matapos mabangga ang minamanehong tricycle sa nakahintong bus sa gilid ng highway, Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa pulisya, bibili sana ng pintura si Jomar Gonzales sa city proper nang mangyari ang aksidente.

Palabas na siya sa highway ng Barangay Lantad nang magulat sa paparating na ambulansya.

Iniwasan ni Gonzales ang ambulansya pero tumama ang kanang gulong ng kaniyang tricycle sa gilid ng nakahintong bus.

Tumilapon si Gonzales at tumama ang ulo nito sa semento na naging resulta ng kaniyang pagkamatay.

Hindi na nagsampa pa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa driver ng bus.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.