PANOORIN: Sangkatutak na isda napadpad sa pampang sa El Nido

Arlie Cabrestante Ching, ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2019 01:25 AM

Watch more in iWant or TFC.tv
Kuha ni Salvador dela Cruz

Sangkatutak na isda ang napadpad sa dalampasigan ng Sitio Lamoro, Brgy. Pasadeña, El Nido nitong Miyerkoles.

Sa video na kuha ni Salvador dela Cruz sa dalampasigan ng Lamoro, makikitang kaniya-kaniya ng kuha ang mga residente ng isda. Maging si Dela Cruz ay may dala pang lambat.

Ayon sa kaniya, umabot ng 2 sako ang nakuha nilang isda.

Ayon sa mga residente, taon-taon daw ito nangyayari.

Kapag high tide ay pumupunta ang mga isda sa bakawan at posibleng nangingitlog. Kapag nag-low tide ay naabutan na sila sa dalampasigan.

Ayon sa Provincial Agriculture Office, normal daw na napapadpad ang mga isda sa mababaw na parte ng dagat. Pero kailangan nilang magsagawa ng imbestigasyon kung bakit nga ba napunta ang mga maraming isda sa pampang.

Ayon naman sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Palawan, kailangan muna nila makita ang mga ito upang matukoy kung anong klaseng isda ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.