Magpipinsan pinagtataga at binaril sa Abra

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2019 03:35 PM

BESAO, Mt. Province – Patay na nang matagpuan ang tatlong magpipinsan sa boundary ng Besao sa Mt. Province at Tubo sa Abra noong Mayo 28. 

Nakilala ang mga biktima na sina Jansen Gabaen, Ronnie Macayba at Pedro Sauyen, pawang mga residente ng Besao na Mayo 24 pa nawawala. 

Ayon sa pulisya, isa sa mga biktima ay may laslas sa leeg. Pinagtataga at binaril naman ang dalawa pang biktima. Isa sa mga biktima ay tinanggalan rin ng ari.

Wala pang suspek ang pulisya sa krimen pero humingi na rin ng tulong ang pamilya ng mga biktima sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group.

Hinala ng pulisya, pinatay ang mga biktima noong araw na nawala sila. 
 
Mangingisda lang daw sana ang mga biktima sa may ilog sa Tubo, ayon sa kanilang mga kaanak.

Ipinagbawal muna ng alkalde ng Besao ang pagpunta ng mga residente sa lugar kung saan natagpuan ang mga bangkay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.