Higit 50 dinampot sa Pasay dahil sa droga, paglabag sa ordinansa

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2019 05:24 AM

MAYNILA - Dinampot ng mga pulis ang higit 50 katao sa simultaneous anti-criminality operation sa Pasay City sa magdamag.

Ayon kay Police Col. Gilbert Yang, hepe ng Pasay City police, 14 ang naaresto dahil sa ilegal na droga at 15 dahil sa ilegal na pag-barker.

Halos 20 naman ang dinampot dahil walang suot pang-itaas, umiinom, o nahuling umiihi sa pampublikong lugar. Dalawa naman ang nahuli dahil sa arrest warrant.

Lahat ng dinampot ay isasailalim sa profiling. Sasampahan ng kaso ang iba, habang pagmumultahin ang ilan dahil sa paglabag sa ordinansa. - Ulat ni Anjo Bagaoisan at Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.