PatrolPH

ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa Kamaynilaan, Hunyo 7-10

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2019 02:21 PM

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority na magkakaroon ng road reblocking at repair sa ilang bahagi ng Kamaynilaan simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Hunyo 7. 

Magtatagal ang pagkukumpuni hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Hunyo 10. 

Narito ang mga apektadong lugar: 

SOUTHBOUND 

• C-5 malapit sa Market-Market (ikalawang lane malapit sa u-turn slot)
• EDSA bago mag-Aurora Boulevard (unang lane mula sa bangketa) at pagkatapos ng Aurora Blvd. hanggang Arayat (unang lane mula sa bangketa)
• EDSA kaharap ng Guzent Construction Equipment (unang lane mula sa bangketa)
• EDSA Magallanes – Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes – Alabang Bus Stop (outer lane)
• Katipunan pagkatapos ng F.B Dela Roxas St. hanggang bago ang approach ng Katipunan/Aurora Flyover (ikatlong lane mula sa bangketa)

NORTHBOUND:

• EDSA bago mag-General Roxas Ave. hanggang pagkatapos ng Aurora Blvd. (una at ikalawang lane mula sa bangketa, intermittent)
• Quirino Highway Belfast Road hanggang Zabarte Road (unang lane mula sa bangketa)
• General Luis St. malapit sa Banahaw St. papuntang Caloocan City
• España Blvd. Ma. Cristina St. hanggang M. Dela Fuente St.

Inabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na daan at dumaan sa mga alternatibong ruta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.