850 pasahero ng MRT pinababa matapos magkaaberya ang tren

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2019 06:23 PM

Nasa mahigit 800 pasahero ang pinababa sa isang tren ng MRT-3 matapos umano itong magkaroon ng electrical failure nitong Biyernes. File/Larry Monserate Piojo, ABS-CBN News

MAYNILA—Pinababa ang nasa 850 na pasahero ng MRT-3 matapos magkaaberya ang tren sa Boni Station northbound pasado alas-5 ng hapon Biyernes.

Ayon sa pamunuan ng MRT, electrical failure sa motor ang sanhi ng aberya.

Sumakay naman sa kasunod na tren ang mga pasahero na dumating 7 minuto matapos silang pababain.

Sa ngayon, mayroong 13 operational trains ang MRT. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.