MAYNILA - Nasagip sa tangkang pambubugaw ang 26 na babae sa magkahiwalay na operasyon sa Antipolo, Rizal Huwebes ng gabi.
Ikinasa ng Women and Children Protection Center (WCPC) ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon laban sa 2 suspek na nagre-recruit ng mga biktima gamit ang social media.
Ayon kay Kimberly Ortega ng Antipolo City Social Welfare and Development, 14 sa mga babae ay menor de edad.
Kuwento ng 2 suspek, sila ang nagdadala ng mga babae sa mga resort upang ipakilala sa mga parokyanong lalaki.
Ayon naman sa ilang biktima, inimbitahan lang sila na mag-swimming kaya laking gulat nila nang malaman na ibinubugaw pala sila.
"Niyaya ako na birthday daw ng kaibigan, sabi inuman lang," ani ng isang babae.
Isasailalim sa intervention program ang mga biktima habang sasampahan ng kasong human trafficking with exploitation ang 2 suspek. - Ulat ni Ernie Manio at Lyza Aquino, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, rescue, women, minors, human trafficking, prostitution, Antipolo, Rizal, TV PATROL